hope springs eternal….

0

Posted on : 16-07-2009 | By : | In : EMOTE ka dyan!!

Sa isang iglap lamang ay maaring mabago ang lahat…ang kasiyahan ay maaaring mauwi sa dalamhati…ang tagumpay ay maaring mauwi sa kabiguan….ngunit hindi dito natatapus ang kwento…sa patuloy na pagdaloy ng tubig sa sapa…at sa patuloy na pagpatak ng ulan ay sisilay pa rin ang pag-asa na may bukas pa ring darating sa ating buhay….ang ating pananalig at pagkapit sa pananampalataya ang siyang mag-aahon sa atin…tunay na lumilipas ang lahat ng sakit….at ang lahat ng hirap ay napaghihilum ng panahon. Habang nadaragdagan ang edad ng tao at ang pagdami ng puting buhok ay hindi na mapigilan….hindi tumitigil ang mga pagsubok na nakapagpapatatag sa atin….

MAGHINTAY KA LAMANG
Ted Ito

Kung hindi ngayon ang panahon, na para sa iyo
Huwag maiinip, dahil ganyan ang buhay sa mundo
Huwag mawawalan ng pag-asa, darating din ang ligaya
Ang isipin mo’y may bukas pa,na may roong saya

II
Kabigua’y hindi hadlang, upang tumakas ka
Huwag kang iiwas, pag-nabibigo
Dapat nga lumaban ka….

(Chorus)

Ang kaylangan mo’y, tibay ng loob
Kung mayrong pag-subok man
Ang liwanag ay di magtatagal,
At muling mamamasdan
Iko’t ng mundo, ay hindi laging pighati’t kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtam,
Basta’t maghintay ka lamang

Write a comment