my VST (my very special TATAY)

0

Posted on : 20-06-2010 | By : | In : sounds family

Flashback in black and white…tan dadadaannn….we always made to believe how flashback can make us lonely as colors do mean everything especially when you’re still a child…when everything seem so simple with less complications and yet so poignant and real..

I grew up in his lullabies and stories ( si Monico at ang tambol…si Amihan..at matsing..and the very famous ang matsing at ang pag-ung)told many times over…he was more of a Chiquito fan than Dolphy’s…it was so amazing hearing him say all the names of the chacter actors read: kontrabida in FPJ movies(whom he fondly calls PANDOPO)… Vic Diaz…(Teddy Diaz of the Dawn’s tatay) Rene Hawkins Sr…(tatay ni Hawkins na player ng Alaska)..Joaquin Fajardo..Robert Talabis.. etc… a certified Mat Monroe/Nat King Cole/ Perry Como fan than “ol blue eyes”aka the voice Frank Sinatra…and sings Too Young with a passion…his damn fave song Portrait of My Love is really soo mushy…and i cried so hard at the movie ANAK (Vilma and Claudine starrer) when Bato sa Buhangin was sung by Joel Torre and i remember that it was also his favorite….would you believe..that he was a Vilmanian like Ate Yolly and not really impressed with Ate Guy’s golden voice….a super duper Crispa fanatic but loves Yoyong Martirez moves in the hardcourt…we forged a real bond that made us the envy of the people in our small neighborhood where each and everybody knows everyone…

Yes…he waited for me before we even met…(i’m his eldest… remembah)…our age gap was perhaps the main reason for that…nevertheless …my being so young and his being…24 yrs. old (aga nag-asawa?…matanda na itu ng panahun nila) that time posed no problem as far as we’re concerned…we got along fine except when i insisted that Sean( Connery) his favorite James Bond actor is pronounced as Shaun hehe…..He taught me a lot about life and love…ahaaa but… not in words.. but more in action…he was never the showy demonstrative type anyways but he had a big…big heart that would tell you how sweet and affectionate he really was….he was always there…in action…(de nag aabsent.. 24/7.. but…sadly… not really for long..) he always there at PTA meetings and so active in all our school affairs..kinda “sipsip” with some teachers as he volunteers during “atags”…he was cool enough to listen to me on making a stand as a first time voter who voted for President Cory during… hold you breath…1986 snap presidential election….at such a young age i knew what “balingbing” means and how politics can dominate a part and parcel of all families…as political dynasties came crashing in our consciousness like a contagious disease….all because of him….he believe in democracy but he was a Marcos loyalist until the very end…and an avid fan of the country’s AM radio “komentaristas” Johnny de Leon (DWWW) Paeng Yabut(DZBB) Joe Taruc, the late Louie Beltran’s radio program…straight from the shoulder” at DZRH..

Life with him just like with Nanay wasn’t an entire bliss..…i’ve had matter of fact my taste of “palu” for being very stubborn at times… i never complained about my “baon” but he did a “hokus pokus” to increase it everytime i celebrate my birthday…i never ever had a dull moment with him as we could talk a lot of topics ranging from PBA, boxing.. politics and foodies but never about “my crush”…he had a penchant for “anting-anting” and taught me to recite a latin phrase na pangontra daw sa kulam…saka sa kagat ng asu…”pag mabanas…magpol-los ka laang at bigla na hahangin…subukan mu hala..”o ay bakit may asin na naman ang ibabaw ng kalderu…ay pustahan kata….palsu na naman ang sina-ing anu? ay arre dyaski ka laang na bata ka…..kakagalitan ka na naman laang ng Nanay mu nyan..syakana.. ay de ka na natutu :)
He truly loved his kids to heart giving them unique nicknames..viona..piston ring and even named els after his favorite Hotdog soloist Ella del Rosario who popularized…mr. disco(when manila sound was first introduced in the OPM) and later revived by his equally favorite…star of a new decade..Manilyn Reynes..haha …the kids in the neighborhood loved him too as he knows all their names and also gave them “bansag”.. including all his nephews and nieces (whom he treated more like a “kabarkada”) never in his short life he became a “kontrabida tatay” whose so strict and 101 disciplinarian na ubud ng…supladu…mahigpit…matapang….sutil….dahil de naman talaga…pag minsan laang :) you can act as natural as you really are..maski magdadaldal ka nan todo at maski tumawa ka ng hagalpak never siya magiging KJ..he ain’t heavy…he’s my Tatay…aaaawwww

Well… it really wasn’t true at all that I’m the first one who truly appreciates his cooking as all his “tsokarans” did…he values friendship a lot…his “papaitan” and bistek tagalog was truly a big hit..if i had one wish that a good genie would grant.. even for just a day.. that is to bring him back again in this cruel world…. to taste that dishes again….in an uncanny situation he never fails to show us some signs on some decisions..major or otherwise.. that must be given some importance…he was at some point would make a cameo appearance in my dreams…telling me when Nanay was still alive…”umuwi ka na..walang kasama ang Nanay mu” everytime i go to Manila to visit my sister..

He was the MAN…no wonder i felt so blessed to have found him and be under the same roof with him….afterall its not everyday that a girl most important man in her life is the same guy whom she called her TATAY….”i would really…really play a song that would never ever end…not just to dance with him but to sing with him as well”…yeree akaw kun nakaabut ka sa bidyoke ay tyak de na kami makakanta dahil ikaw na laang ng ikaw… :)
Happy father’s day Tatay….love you so much!! wow you must really be a great magician now who could make a lot of “hokus pokus” to view my FB from the ultimate big screen up there to read this thingy…c’mon….sigi na karkulahin mu na… ay de baga tama aku…shaun…de…sin!!

God took the strength of a mountain,
The majesty of a tree,
The warmth of a summer sun,
The calm of a quiet sea,
The generous soul of nature,
The comforting arm of night,
The wisdom of the ages,
The power of the eagle’s flight,
The joy of a morning in spring,
The faith of a mustard seed,
The patience of eternity,
The depth of a family need,
Then God combined these qualities,
When there was nothing more to add,
He knew His masterpiece was complete,
And so, he called it….a DAD…PAPA…ITAY and
a TATAY
-author unknown-

Bookmark and Share


 

 

No Comment

Leave a Reply

Logged in as pondayski. Logout »




AKAW adbentyur

1

Posted on : 07-06-2010 | By : | In : sounds family

Sa bawat pagbigkas ng salita sa bawat bagay ay tila baga isang masiglang pakikipagsapalaran….kakaiba at tunay na nagtataglay ng isang katangiang hindi matatawaran…ilang beses ka mang maglakbay at pansamantalang lumayo sa iyong pinakatatanging bayang sinilangan ay taglay mu pa rin sa iyong sarili ang katangian na pagiging mapagmahal sa wika at kaugalian na iyung kinamulatan….halina’t maglakbay muli sa natatanging lugar kunsaan naranasan ng bawat bata ang makipagkapwa at lumaki sa mga bagay na payak…na ang tanging kayamanang matatawag ay ang tunay na pagmamahal sa kung anu ang mayroon sa kapaligiran at pasalamatan ang Dakilang Lumikha sa dulot niyang biyaya sa bawat pagkakataon na naging isang gabay sa paglaki at pagpupunyagi sa hamon ng buhay..

Pangkaraniwan na sa atin ang makipag oron sa kapitbahay lalu na kung nakatira ka sa baryo na kasing layu ng Dipanamianan o Dibotognin at nakasanayan na din natin ang magpasabaw o magpahingi ng ulam sa ating mga kalapitan o kapalagayang loob na kadalasan kaysa hinde ay may kapalit pa…pag sinuswerte ka pa at maigi ang sepra ni Kumari ay pede ka ring kumitil na tatlung pirasu ng okra at apat na pirasu ng sitaw sa kanilang garden at kung makapal ka pa ay obra rin laang na maghingi ng baguung na munamun para ibulang-lang para kumpleto na ang umagahan…tanghalian at maging huling hapunan mu…soplaa…de naman sa sobrang kapalmuks peru ang buhay ay napaka simpli laang nuun…pag may uuwi sa bayan…(bakit nga kaya “uuwi” ang termino?!!) ay obra ka pa ring magpadamay ng bigas.. kape…asukar…asin at pakaskas o gaas ( ay de ka naman na naawa na mas madami ka pang ipinadamay na bilhin kaysa dun sa mismung pupunta sa bayan na nagkawang gawa laang na tanungin ka kung may ipapabili ka?)

Likas na mababait ang ating mga kapitbahay at pati na rin paghuhulug ng sulat sa “posopis” ay ayus lan din…sang-ayon din sa sandamukal na mga kwento.. nun araw daw… pati pagreregistro ng batang kaaanak ay ipinapadamay pa sa mga pupunta sa may munisipyu at ang pangalan ng bata ay nakasulat laang sa gilid ng paktura na pinagsulatan mu ng mga bibilhin na kadalasa’y palara o di kaya isang pahina ng pinitas na notebuk…kung kaya’t napakaraming problema sa pangalan ang nag-silitawan at kung nasa guhit pala ng iyong palad ang mag-abroad ay katakut-takut na imoy ang magagastos mu sa pag-papaayus ng pangalan mu na mali-mali ang ispeling…ang masaklap pa kung ang pangalan mu ay MARIA na naging MARIO ka na sa bert sertipikate mu ay talang babai ka naman.. wala na nga bagang sasaklap pa kung mismung pangalan mu na ang binagu…ang Nova na ginawa ng Norma at ang Emelita at ginawa ng Medita…ang Marilyn na naging Adelaida (layu naman haha) ay ba’t nga kaya sila na ang nakaalam sa Nanay at Tatay mu na nagbigay ng pangalan sa iyu…mga samlang sila..iisa na nga laang ang pangalan natin minali pa nila..

Sa bawat bahay ay hinde mawawalan ng kayuran…karburandum…palantsang de uling…itak…dulus… tikin… sima… antipara…bakid… karburu…kawil…king-ki…gasera…de gasa…lusung…palakul.. banga…lente at radyo na may pono pa…Pag maliwanag ang buwan… ay de laang pagbibimbim o bayatu ang inaatupag ng mga bata..pati na rin ang mga Tatay ay abala sa “pangingilaw” kadalasan madaling araw na sila nauwi mula sa malaki at maliit na gasang…at paggising kinabukasan ng mga anak nila ay mabubungaran nila sa isang malaking banyera na ubud ng dami ang mga nahuling isda ng kanilang Tatay na may mga baliwis, kitang, midyad, alguron. mataway, banak at pakoy…nasaan na nga baga ang mga isdang itu?…at ang alam na laang natin ngay-un ay….buraw..atulay..durado….sapsap… Sa mga daan naman papuntang Ulangu at Kalewan sa Bo. Dilod ay ubud ng dami ng pako (edible fern) at maski na ubud ng dami ang napitas mu na akbuy mu laang ay parang de na nauubus…pag umulan sa gab-i at napadaan ka na naman uli kasabay si Ka Paul na may pas-an na sandamukal na palaspas na de raw magsusuman kundi magpapatupat (ang ulit naman ninyu) ay parang walang nabawas at nag-siolpotan na naman ang mga sariwa nitung talbus…na iaatadu at obra ng ilaku..

Ang bawat bakuran ng bahay sa bawat barangay ay kadalasang napapalibutan ng mga halaman kunde man punu.. ay mga bulaklak na kaaya-aya sa paligid… ang mga halaman na lagi mung makikita at lady’s corn, pasgak, san francisco, palmera ang mga bulaklak naman ay mga uri ng netib na orkidya na bihira na ngay-un.. may mga liryo din at nardo na matatagal malanta…may iba’t-ibang klase ng rosas na kulay pula at pink peru ang pinakamabangu sa lahat ay ang rosal na kadalasan naming ibinibigay ng aking kapatid sa aming pinakamamahal na Nanay tuwing sasapit ang Mother’s Day… sa gilid naman ng bahay ay may mga punu na nakakapagpalamig ng kapaligiran…napoypoy ang malamig na hangin kaya masarap matulug pagkakain..may punu ng lipoti na ubud dami ng bunga peru de ka mangahas na umakyat dahil magsasalimbayan sa iyu ang sugbuk…antongal at hantik na mga langgam na ubud ng sakit kumagat…kaya nga may tikin ay pang sungkit na laang ng ikukulunggu..de rin nawawala ang ibobug..lateris…buli…duhat o anggu…mayrun din kami tubu (sugar cane) na dalwang klase yung isa nuknukan ng tam-is yung naman kulay green ay napaka tab-ang na pati buku ay kinakain namin..mayrun din kami punu ng niyug na may “amas daw na nakikita pag kami ay nagpapatawas kay Popo Toring..isang bula na bilug na nasa bandang itaas ng basu na sa ilalim ay puru saput..ang ibig daw sabihin sa sobrang likud mung bata ka ay inamas ka at binulabug mu ang bahay ng hari ng mga dwende kaya sobrang taas ng lagnat mu saka parang dinudukit ang mga mata mu…at kung attanu naman na pagkatapus mung tapalan ng koponban na may “hum-hum”ay para ka naman ng nagdahilan at bigla ka na ngang mahihignawan at yun na maigi ka na…saka nga laang ibinibili ng “Royal True Orens” nuun ay pag may sakit ka laang at halus de ka makakain at ubud ng pait nga ng iyung pakilasa..

Pag igi mu naman at sinubukan mung magpabili ng Coke o de kaya Royal ay attila-uy kung ibibili ka…at maski na maglupasay ka pa sa kakangi-si ay subuk-subukan mu at baka yabat-yabatin ka pa pag de ka na nahintu sa kakaburuka (kakapalahaw ng iyak) na daig mu pa raw ang inaantakan ng ngipin..iniisip mu pa na sana lagi ka na laang magkasakit para ibili ka ng Pretsel o di kaya chocolate mallows o di kaya choknut na binibili sa may kantin sa lumang AMH…pag sinabi ng Nanay mu na wala kayung ibibili at wala kayung kapera-pera ay tiklup ka na agad sa isang tabi at de na magrereklamu…o ay anu nga magawa mu ay sa wala ngang “apela-pela”…nag-iisip ka na magpulut ng niyug sa iba-ba para ipagbili sa Alihin na may tindahan sa tapat ng bahay ninyu.. saka mabait naman siya tyak bibilhin nya itu dahil alam niya na may sine si Pendopo na idolo mu sa galing magbudyik sa Lopez Cinema.. na mag-iiyak ka pag de mu napanuud at mapepelohan ka ng mga kaiskwela mu na lahat nakapanuud..magpepresenta ka rin na mag suk-suk ng sumbreru para may i-alkansiya ka sa basyu ng lumang Johnson na polbu o di kaya sa bumbung na kawayan o sa budda na malaki na ayaw na lagyan ni Nanay dahil pag malapit ng mapunu ay may magkakasakit na sa aming magkakapatid…pag medyu nakaipun na ng kaunti at nasilip mu na may sampung pisu ka na o kinse ay pede ng sungkitin na gagamitin mung puhunan para ibili ng komiks kay Ka Nelia Duran na ipapaarkila mu sa mga kalapit ninyu.. peru bagu mu ilabas ang bagung mga komiks
ay babasahin mu muna lahat para ikaw ang una kung anu na nangyari kay Galema…kay Agua Bendita sa Aliwan komiks at matawa ng bahagya sa funny komiks…paminsan-minsan ay nakakabili din ng Bulletin Today pag linggu dahil sa nakasingit na panorama na agad na binubuklat para hanapin si Larry Alcala sa kanyang Slice of Life…

Kulang na laang ay koberan mu ang mga komiks sa sobrang ingat mu para wag agad malut-lut dahil ipagbibili mu pa ng may pandagdag ka sa pambili ng notebook na golden gate na ubud ng garas ang papel at bic ballpen na laging nagtatai…nakurut ka pa minsan ng Nanay mu dahil namansahan na ang uniporme mu gawa ng bolpen na kung attanu naman na matapus mung idang-dang sa gasera ay wala na talagang tinta tapus pag ginamit mu na kinabukasan ay magigitla ka na laang at sukat dahil nga may tinta na uli.. ande mu alam….maya-maya laang punu na ng tinta ang kamay mu at agad na itung kakalat pati sa pang-itaas mu na puti pa naman na inalmidor pa ni Ina aysos ay namansahan na nga ng umaatikabu mabuti na laang nga kung madali itung maalis…pag-uwi mu ng bahay ay katakut-takut na sermon ang aabutin mu..sa isang banda pag nakurut ka ng ubud ng hapdi at napalu ka ng uway ay talaga namang magtatanda ka na…matututu ka ng mag-ingat ng todo at pahalagahan ang mga bagay na hinde basta-basta mu makukuha kung de mu talaga pinaghirapan…(de ka naman pedeng sumugud sa DSWD nuun dahil wala pa ang VAWC law….violence against women and children)..

Sa Linggu ng hapun ay tinitingnan ng Nanay mu ang kuku mu kung mahaba na at marumi at tsinetsek ng titser itu kung malinis tuwing Lunis..sobrang maasikasu ang Nanay namin na pati paghihingutu…pagtatalingag-ngag…paghihilud gamit ang batu na panghilud galing sa Dikaloyungan at paghihinuku ay ginagawa niya masiguru lamang na malinis ang kanyang mga anak at de nakakahiya na makeb-keb at mukhang maangot pagpasuk sa iskul…peru napakasakit maghinuku ni Nanay sinasagad na nya kaya mahapdi kung kaya’t pinilit ku na agad matuto maski na mahirap nga pala na “mag nelkater” lalu na sa kaliwa at maski na nga kere-kerewe at masama ang tabas ng kuku mu sa paa ay ayus laang dahil natuto ka at tiyak na sa susunud de na kagaya ng dati ang itsura nitu…

Tunay na napakasaya ng mga bata tuwing sasapit ang Biyernis dahil may rasyon na ibinibigay sa iskul…tig-iisang bata ay may isang tabu ng mobil na harena (flour) at kung apat kayung magkakapatid na nag-aaral sa pablik ay namumunini na kayu sa dami ng hotcake na pedeng ilutu ng Nanay ninyu…nun gred 1 aku ay halus mapitas na itung barasu ku na ganga ilas laang kapayat dati mula sa paglalakad muna sa Baler Elem School dala ang rasyon na ubud ng big-at..(ay de pa usu nuun ang trisikel at lakad laang na umaatikabu simula sa dulu ng Dilod hanggang iskul…nadaan din naman kami sa sa pilapil sa tubigan sa may kumun sa likud ng bahay nila Ka Eddie Querijero-Mendoza at mayrun pang isang short-cut ditu sa may dike sa may kala Ka Mining Querijero kunsaan nakagat ng asu ang kapatid kung si Ikton..kaya de na kami pinayagan magdaan sa pilapil maski mahangin at malapit talaga…

Sa rasyon na ibinibigay sa mga bata ay talaga naman na makakatipid ka sa baun at obra mu ng i-alkansiya ang baun mu na diyes dahil nga de ka naman na bibili sa kantin o sa bilao ni Mrs. Necing Novicio dahil nga may baun ka na…peru sinisimangutan ni Mam pag de nabili sa kanya kaya bili ka na lan din ng manipis na pinilag ng matuwa naman siya…peru sa baun mu na makapal na hotcake na makahirin pag minsan at kung mag-iimut ka na magpahingi sa mga kaiskwela mu ay ipapanalangin ka nilang mahirinan ka at de ka matunawan at maski de mu pa batid sa isip mu kung anu ang ibig sabihin ng karma ay alam mu naman na masama ang maimut na bata at baka dagitin ng uwak at dalhin sa kalawakan at de na makabalik sa mundu…pag may nagawa ka ngang pag-iimut ay nagdadasal ka sa gab-i na sana nga ay wag ka kainin ng uwak…de baga?!!

Mayrun tinitinda na Nutriban tuwing alas tres ng hapun na may kapurit na palaman na santan at isa nga aku sa taga abyad nun gred 3 kami na taga kuha ng bilao na may nutriban nagsimula sa bente sentimos ang presyo at parang singkwenta sentimos na ng mag graduate kami sa elementarya..de naman talaga masarap ang nutriban de naman sa pamimintas peru lasa ngang “bukbuk” dahil ang harena na ginamit ay de pers klas peru masarap na rin maski paanu pag mainit at saka pag bata ka pag sinabing masustansya ay paniwala ka na agad maski na mahirap ilumud at nagrerebelde ang kalooban mu…wala ka nga laang magawa dahil de ka obra sa mga “matatanda na papunta ka pa lan daw ay pabalik na sila” (o ay bakit naman kaya de natin sila nasalubung anu?) Minsan tinanung aku ng kapatid ku kung bakit raw kinakain o gulay raw pala ang kawayan (labung) ay de raw baga itu nakakasalug-sug sa lalamunan?

Nun una mahirap talagang kumain ng talbus ng kalabasa (ay attes…may bulu baka nuknukan ng kati sa lalamunan) peru dahil nga sa kinamulatan natin ang pagiging mapagmahal sa mga METAL na pinausu ni Ka Tantul na isa ng alamat ng ating lahi ay lahat na ng klaseng metal ang paboritu nating isahug…sa tinola na netib na manuk ay metalbos ng sili…sa bulang-lang metalbus ng kamuti…amsi…kalabasa…paku na sinasalad pa ng mga medyu nakaka-angat sa buhay…ang metalbus ng maragoso ay napakasarap sa ginisang munggu at ginap-gap na mais na paboritung ulam pag araw ng Biyernis…peru ang metalbus ng saluyut ang sobrang dulas sa lahat…peru de nawawala sa atin ang pagbabahug ng marka pinya toyo at tulug na mantika…pede din ang yellow corn at gatas na powder lalu na pag may nahingi sa SWA ayus lan din magbahug ng kape…blend porti rice na nakakasakit ng likud at batuk at talaga naman na de ka makakatulug…peru masaya rin paminsan-minsan ang pag-uulam ng kinayud na niyug na upud na may asin at obra na din magbahug na tubig na aasnan para makatawid sa pagkain…de naman nawawal-an ng kanin kaya madali laang na magrewat-rewat ng uulamin….de rin usu ang mga bata nuun ang mga de premerang maarte at ma-mel-le dahil wala ka naman talaga pagpipilian maski nga binangi na maragoso na may uling-uling pa o inihaw na biningkit ay kinakain ng mga bata maski na mapait ang maragoso ay masustansya raw naman maski mapapasuka ka na sa sobrang pait at ganga kabulaw na ang kilabut sa iyu sa sobrang pait ay nakakatawa ka pa rin…oplak laang ng oplak basta de lasun o lipa…kain laang :)

Karamihan sa mga Tatay nun ay may kakayahan sa paglulutu pag may mga pakasal ay isang atag ang nagaganap ang kahalintulad…ang pagpapatay ng babuy, manuk, baka, at kambing na ihahanda sa bangsal ay tunay na mga espesyal… si Ka Tomas Querijero ay ubud ng galing magsaing sa malaking talyasi maski na makainip pag minsan at weredwed na lagi sa kalasingan ay malaki ang naiitulung niya sa mga handaan…kadalasang handa ay adobong butu-butu, tinadtad, ansarap ng kalderetang kambing, pati na pappaitan ang isang simpling “nila-oya” na baka ay tunay na napakasarap at pag nga nataun na may sakit ka ay tiyak na iigi ka na…lalakas ka na dahil pag pinawisan ka nan todo ay ayus ka na pede na uling maglikut…kitang-kita ang ginagawang pagtulung ng mga kamag-anak na bagama’t limang pisu laang ng pangkaraniwang ambag ay tunay naman na nakakatulung sa bagung kasal sa pagsisimula nila ng kanilang sariling pamilya…napakasarap kumain sa saha ng saging ng nakakamay dahil maski apaw na ang kanin at ulam ay kasya laang…at saka malamig ang saha kaya wala talaga problema maski wala pinggan… ang nasa “presidential table” lamang ang mga may kobyertos…kadalasan ang kinukuhang Ninong ay Mayor o di kaya abugadu na nakatalaga sa piskalya…o di kaya ang pinakamatanda sa mga mag-kakamag-anak…ang nga kinukuhang Ninang ay kadalasan na maestra o asawa ng mga nanunungkulan…may mga magkaka mag-anak na mga de “magkakaimik” sanhi ng mga de magkakaparehas na pananaw sa pulitika o ibang pulitiku na sinuportahan sa nakaraang halalan peru hindi itu hadlang at hindi nila matiis na de makisangkut sa pasinaya kung kaya’t de halata sa ibang mga tao na sila ay mga “magkakababag” dahil sa ipinapakita nilang pagdadamayan at ang “presencia” ng bawat isa sa pamilya ay tunay na kahanga-hanga…Isa sa mga paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang ay kung paanu ka maging responsable at magbigay galang sa mga nakatatanda…pagpatak ng alas sais na hinde ka magmanu o mag “dispo” sa lahat ng matanda na masasalubung mu ay tyak may pasalubung kang palu pag uwi mu sa inyu (ayawan nga kung paanu namonitor ng Tatay at Nanay mu na nakalimutan mung magluhud kay Poppo Dekko na nakamungut sa mga puluteput sa karsada)

Ang bawat bata ay punung-punu ng sigla mula pagpasuk sa Lunis hanggang sa pagsibig sa Biyernes ng hapun. Sa tanghali ay nginig ang mga tumbung sa kakaapurang umuwi nan de mahuli sa pakikinig sa Zimatar sa DZRH (ang munting prinsipe na de na nalaki o natanda) kaibigan nya ang bruha na si Eng-eng na may malaking kawa na nakikita niya ang mga nangyayari o mga mangyayari…pinagdududahan na si Eng-eng ang tunay na Nanay ni Zimatar (lahat na bata ay kaboses na pati ni Eng-eng) lungkut kami at lugmuk pa pag wala kaming bateri at ilang beses na kaming nakikidayu na makinig kala Tatti na may trompa pa ang rems (akaw ay ho-a ay makimuka kuhang-kuha ang “sound effects” pag naglalabanan sa kaharian ng Berbania) pagpasuk sa iskul sa hapun ay kanya-kanyang istorya….iisa laang ang topic peru pareparehas naman lahat nakapakinig at hihintu laang pag dumating na si Mam na nakinig din pala ng Zimatar (kala ninyung mga bata kayu…kayu laang tagasubaybay)..

Hanggang sa hapun ng Biyernis ay hinahapin-hapin na agad na mag Sabadu para makapag tatseng, siyato, sulpak, sipa,bangil, o yoyo makidayung mag “teks” pati mga kaha ng sigarilyu ay iniipun pinakamataas ng value ay ang balat ng Philip at ang pinakamababa ay Champion may koleksyon ka din ng iba’t-ibang lasti (rubberband) na teknikolor pa na nakatirintas at alam na alam mu kun nabawasan o nag ne-ut ang kabakas mu peru ayaw mu siya babagin dahil mabait naman siya at taga dala pa ng mga parapernalya pag nadayu kayu sa ibayu…napakadami mu kakilalang bata sa mga karatig na barangay at maski na sa kasuluk-sulukan ay narating mu na sa dami ng nag-aakit sa iyu na kalabanin ka.. peru ang napakasayang sandali ay pag natabsung ka na sa lahat ng ilug….sa zabali…sa ilug ng bayan, puduk, duongan, at kinalapan na maraming bayabasan sa daku pa ruun…pag natagalan kang umuwi ay hamis mu na agad ang mga madadaanan mung madre kakaw sa mga bakud ng may bakud na kukusutin mu itu at itatapun sa malayu na de mu lilingunin…para raw de ka paluin ng Nanay at Tatay mu maski napakatagal mu umuwi at de ka pa nakain at nalipasan ka na ng gutum peru nasa may baliti ka pa laang sa tapat ng flowing at nakikita mu na agad si Tatay na may pamalu na sa likud nya at oras na lumapit ka sa kanya ay walang sabi-sabi paaakkk….palu kaa de ka naman makaiyak dahil galit na galit ka sa madre kakaw na de naman pala tutuu…at ikukwentu mu pa rin sa mga kalaru mu na tutuu ang “magic” ng madre kakaw na iniligtas ka sa palu….talang de namaaaannnn….

Ayawan nga peru parang de nauubus ang energy ng mga bata sa dami ng mga pinagkakaabalahan…pati poyong sa may kalapit na bahay ay kukunin at gagawa ng iba’t-ibang uri ng trak-trakan…maski lanta na ay ayaw mu pa ring itapun dahil maganda ang design…patibayan din ng takayad na bao o kawayan at pagandahan ng burador o sarapesap, pati na pulunan ng tamsi ay may arte at maski kasing itim ka na ng ulikba o puwit ng takuri na de inaas-is at de ka man lang nalilung sa punu at maski mina na ng kutu ang ulu mu ay wala ka pakialam basta sulit na sulit ang pagiging bata mu..nag-uug-ug ka rin ng salangubang o salagintu o maghuli ng gagamba at apwas-apwas na nga at idistinu sa bahay ng puspuru…kinagalitan ka na dahil pati naman na yung puspuru na may laman pa ay kinuha mu na sa lalagyan…paanu pa baga magagamit ang palitu kung inat-teg mu na pati bahay? ay paanu pa masisindian ang gasera? paanu pa makakapagpadikit sa kalib-lib?!!

Nasali ka rin at pag nga minsan ay bida sa kuliling…kuliling ang laru ng mga utu-utu saka mga ulukandu sa bilis mung tumakbu ay kaagad kang nakakasunud sa mga utus…wala kang palu sa pinaka lider ng grupu na kadalasan ay pinakamatandang pinsan at parang pag minsan ay umaasta ng Tatay na taga suheto ng mas nakababata…de mu naman maihabla dahil natatakut ka rin dahil unang-una de kayu lumaki na “iniaayu o kinakampihan” ng mga magulang…maski kayu na ang binababag ay de ka pa rin naghahabla dahil kayu pa ang unang kakagalitan…”tamtamin mu…sinung may utus sa iyung lalapit-lapit ka..ang ulit mu ta ay…tuminu ka o ay nakita mu na ang hinahanap mu? de ka na nadala..ganyan pa ang sasabihin ng Nanay mu sa iyu o ay nanaisin mu pa baga na magsumbung sa ayaw mu na laang maging mukhang tumbung…maski wala…saka ayaw mu din na udyukan ka ng “halbadora…mukhang tablaaa”!! sa isang banda nag-iisip ka din na de yata parehas ang laban dahil yung ibang Nanay naggagalaiti sa kakasu-at…nanunugud pa sa bahay ng nakababag ng anak…peru sa isang banda ayus laang dahil napatunayan mu na mataas ang iyung pasensya (tolerance level) de ka pikon at maski na matalu ka sa mga laru at hinihiyawan na kayu ng “kog-kog” kayu sa bayatu dahil de na nga kayu nagulaw at nangangantyaw na pati matatanda na “baguung” na kayu ay sigi ka pa rin…patuluy ka pa rin sa paglaban maski gustu mu ng “mag-ngoy-ngoy” at maglupasay…humiga sa karsada sa kakaiyak…may araw rin kayu at kataka-taka naman na parang nagpilit din ng todo ang iyung “guardian angel” na nakabawi kayu at nanalu rin…at napakasaya mu dahil nagtagumpay na rin sa wakas..

Sa mga batang babai naman ay usung-usu ang “bebel-le” o bahay-bahayan na sa sobrang creative mu pati pinaglumaan na mga kortina sa bahay ay idedekorasyon mu sa bebel-le…naglulutu din sa palayuk ng kanin at naggagawa ng gumamela jelly…naggugupit din ng mga papel o art paper para gawing manika at papangalanan ang bawat isa ng mga sikat na artista…nabili ng kendi na lips at ginagawang lipstick..nagkukulut din sapamamagitan ng tangkay ng kamutung kahuy…iniipun din ang but-u ng lukban at inilalagay sa gilid ng mata na parang mga mutain…pati pagtitinda at pagtuturing kung anu ang mga kahalintulad na bagay ay binibigyan ng pansin…ang dahun ng madre kakaw ay inihahalintulad sa sapsap ang damu na tinatabas laang ay bininyagang sitaw-sitawan at gayundin ang gamut sa uric acid na pansit-pansitan…napakabilis ng oras at de mu na namalayan na de ka laang pala naligu o naghisu (nagtutbras)…Sa Linggu ng umaga ay de ka nakakalimut na magsimba dahil tsinetsek ang attendans at tatanungin sa iyu sa Lunis ng umaga kung anu ang isinermon ni Fr. Allan o di kaya ni Fr. Serafines..may kurut ka kay Miss Julio pag nag absent ka sa simba syaka naaa…

Napakaraming itinurung kanta at mga tula pag kasali ka sa korus na tinuruan ni Mrs. Barcenas ay tiyak alam mung magbasa ng musical notes…na memorya ku ang picnic time…sol do do mi sol do… ang tula na all things bright and beautiful na gumising pa aku ng alas tres para masaulu ku at ang pinaka peborit ku ay ang tula ni Joyce Kilmer na Tree…i think i shall never see…a poem as lovely as a tree…poems are made by fools like me but only God can make a tree (itu ang first and last line ng tula) na itinuru sa amin ng napakagandang titser na si Mam Diding Sindac…ang tulang Manuel Luis Quezon ay tinula namin sa maramihang bigkasan na tinuru naman ni Mam Zubia…iisa-isa kami pinag recite sa harap kaya may pressure pag de mu nasaulu…

Natunghayan natin kung anu ang samahan ng mga tao sa barangay..tulung-tulung ang mga magkakabaryo sa paglilinis at paanu makisangkut sa mga proyekto sa baryo…sa pangigilak popular nuun ang pagdaraos ng mga “box social” at pag iimbita ng mga kadalagahan ng nagmula pa sa malayung barangay o bayan man kagaya ng Diarabasin ay mga kinakaun pa ng “wipon” o jeep para makipagsayawan…ang bawat isang binata ay bibili ng ribbon na ibat-iba ang kulay o halaga at ang package o box na tinatawag ay binubuo ng fried chicken o de kaya litsong kawali na ubud ng lutung na mainit-init pa ay ibinalut na agad sa balutan ng yema kasama ang dalawang bilug o kwatro kantos na may halaga na orig price na sampu o bente pesos ang pagtawad mu ay pataas…pahambugan at dahil nga medyu may kras ka sa isa sa mga dalaga ay papakyawin mu na ang mga “boxes” maski magkandautang ka makatulung ka laang sa barangay saka mapansin ka ng iyung iniirug….yun naman sa wala masyadun imoy sa sa ribbon na laang at sukdulan na mapatisud ka sa kakaapura na maisayaw ang pinaka sikat na dalaga ay ayus laang maski tapid-tapirin ka na.. dahil kami ay mga puluteput pa nitung panahun na itu ay nakasilip laang kami sa bintana na nakapangalumbaba at maski daret-det na sa antuk ay kung attanu na de pa matulug dahil nagpapapansin sa mga may paadhika na de naman iba sa amin dahil mga alihin lan din…nag-aantay na bigyan ng tinapay na tasty na may palamang star margarine na maraming asukar sa ibabaw tapus may isang hibla ng pineapple chunk…ang juice nila ay pineapple juice talaga na galon galon pa dahil de pa usu nuun ang fanchum at zesto na lasang ta-nga saka makasikmura…masarap ang juice dahil de tinipid sa asukar saka malamig pa dahil bloke-bloke ang iyelo na tinempla sa ubud ng laking timba…pag minsan nabulus pa kami kaya laang makahiya na rin dahil marami naman talaga silang napapakain pati na yun mga nakahalukipkip na mga nahihiyang makipagsayawan na mga binata na mga natotorpe….

mayrun pa po pramis :)