DE PO KARIT (op cors nat) tribyut to Baleryano’s

0

Posted on : 03-04-2010 | By : | In : anything BALER

DE PO KARIT
(op cors nat)

tribyut to Baleryano’s
-apo ni ka ode-

*Isang uri ng ekspersyon na tunay na masasabing sa atin lamang nagmula na maituturing na “uniquely our own” kumbaga;

• isang paraan ng pagtutol sa isang bagay na medyu alam mu ang detalye sa paksa o bagay na pinag-uusapan;

• nais mong magbigay ng iyung panig na hindi masyadung sersoyo…walang bahid ng “pang-gagalaiti” de violent reaction…purely kalokohan by nature;

• may punto ka na ibig linawin…( “ay makimuka naman gantu na pala paka entendi nila sa sinabi ku” talang arehe de naman gan-un ang ibig sabihin dyableg laang oo”) sabay kamut sa ulu saka hagalpak;

• gustu mung magpasusut lalu dun sa mas bata sa iyu; na gustu mung paiyakin; yun de ka titigil hangga’t de siya naglulupasay sa karsada sa pikon sa iyu at susuatan ka na pati ng Nanay niya anu haha

• gustu mong pelohan si Kek-kek sa kanyang istorya…kaya bigla ka sesegway o di kaya ay aabat ka ng “de po karit” sabay hagikhik;

• kontrahin si Taraok sa lahat ng sinasabi nya…maliin siya maski tama siya at wag uma-men…basta may maikontra na laang sa kanya kumbaga;

• sa isang banda naman at banda ritu…ginagamit din ang salitang itu…”in a form of denial” ( ho-aa…huy baet…syakana aysos ay may tsismis si Ka Soling sa iyu na nakita ka nya na may kaabrasyete kagab-i” at itu ang paraan mu para itu itanggi at malutung na “arree ay de po karit” ang sasabihin mu (adoy maski naman na tutuu ay de po karit ka pa rin);

• masyadu laang tayung magalang kaya dinagdagan pa ng po?!!

• gustu mu lan daw patunayan na mas may K ka sa mga katwiran o i-expound ang isang bagay…parang ‘you know everything…and know it all type ka kumbaga; ayus laang iyun…we respect you as you are entitled to your own opinion.. basta wag laang sobrang apila ka na ang gustu mu… pabilhin mu na ng kotse ang mga taga Baler!!…o ay sa wala ngang pambili…. o maski baga may pambili ay anu magawa mu kung ayaw bumili… kung anu ka na….da ibili mu kami da…ngay-un naaa!! (areee ay parang naghahamun naman na aku ng babag nitu…de po karit ha!!)

• mas kopong-kopong version ng “baka deee” kaya de na itu masyadung sinasabi ng mga kids ngay-un… peru si estong sinasabi pa rin nya itu para ipagtanggol ang kanyang sarili pag hinahabla ku siya sa kanyang mama at papa hehe

• isa ring “point of clarification” kumbaga!!

• oo naman.. may exclamation point…kaya may dating ang arrive..aba naman…ay ikaw rin naman ay para ring char-char ni Melay!!

• katuwaan laang na di sinasadyang mamutawi sa bibig bilang bahagi ng masaya at walang kamatayang……ORON ng buhay…asos ay tunay ka…negket.. hayyluvit sabi ng mga pa sosyal :)

• aminin man natin o de…na minsan sa buhay natin ay nasabi natin ang DE PO KARI…na ayawan nga baga kum bakit naging KARIT yung KARI…(i-reseach natin da) gustu ninyu tanungin natin sa kastilyo kay Mang Pi-ta bakit naging KARIT? Ay kung basta karit laang ay iyun naman yung ginagamit pag eemura sa kalewan…o ay de baga?!! pang halabas nga ay!!

• Itu ay tunay na isang katuwaan laang… walang labis…walang kulang na bahagi ng pananalita natin na kagaya ng mga kwentong Ka Tantul at Ka Pa-ul na umugit ng kasaysayan.. na obra ka talagang gumawa ng libro sa mga nai-contribute nila sa history kumbaga anum panama ng mga joke writers sa angkin nilang talent anu..walang ka effort effort de kagaya ng iba TH na TH!!

• wala laang basta masabi lam po ang DE PO KARIT maski wala ibig sabihin…suma “sound family” kunyari :)

• subukan ninyung ipabigkas itu kay Ka Benny Sindac…Kapitan Philip…Kay Ka Taptap sa Dipanamianan…wag na wag laang ninyu itung ipapasubuk sa mga depuntu at maiinip laang kayu.. (gustu ninyu pag-usapan natin yung top 5 na mga depuntu? ay malubra itung mga alam ku dahil bihira naman silang lumuwas ay mga nuknukan ng kasi..at eh ng eh at ba ng ba ang mga bokadura hehehe ay hala na baka aku ang mabaril nitu dyaski hihihi)