reali-serye whatever

1

Posted on : 20-02-2010 | By : | In : EMOTE ka dyan!!

Sandamakmak….sangkatutak…sanlaksa na ang mga teleserye ang nagdaan sa ating buhay ang iba ay nagmarka ng todo at kulang na lamang ay magmakaawa ka sa istasyon na pahabain pa o di kaya’y dugtungan o gawan pa ng part II or part III (OA na anu po?)… na halos hilahin mo na ang mga oras…minuto at sandali para muli mo na namang masubaybayan ang susunud na kabanata. Hindi na magkasya sa aking balintataw kung paanu ang isang simpleng kwento ay magiging isang kumplikado at masalimuot na pakikipagsapalaran ng mga bida….kadalasan nahuhulug ka na at nakakalimutan mo na ang sarili mong hilahil at mga pangamba sa buhay sa isang banda mabuti na rin sa kadahilanang mababaw lang pala ang iyong dinadala at may mas malala pang problema sa mundo ah masasabing mapalad ka pa pala na malusutan mo ang tila baga pasanin na bahagi na ng pang-araw araw mong buhay.

ang kapamilya at kapuso ay nagpapaligsahan sa lahat ng uri ng palabas maging ito man ay comedy, drama o mga reality shows pero mas nakakaangat ang drama na isang repleksyon ng tunay na buhay na inilalarawan ng mga sinusubaybayan nating pakikipagsapalaran ng bida na umahon at magtagumpay sa walang tigil na pagdating at pambubulabog ng walang katapusang mga problema na kadalasa’y….pera…pera…at pera ang dahilan.

nasaksihan natin si Melai sa loob ng bahay ni Kuya…naging pamilyar tayo at nakilala ang tunay nyang katauhan ang pagiging masayahin, maingay at mga char-char owver…napagtanto din natin kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang, nakilala rin natin ang kanyang mga kaibigan na sina Karen at Daisy pati na rin ang kanyang ex-boyfren na si Pareng Roy. Nagsisisi kaya sya na siya ang unang nakipag break kay Melai? Anuman ang sabihin ng mga kritiko at mga tagahanga ni Paul Jake na niluto ang labanan hindi mapapasubalian na si Melai ang tunay at karapat-dapat na tanghaling big winner. Maaring tama ang iba sa pagsasabing hindi makatarungan na pag mayaman ka ay wala ka ng karapatang magkamit ng gantimpala sapagkat ano pa nga ba ang mahihiling mo ay nakamit mo na ang kaginhawahan sa buhay samantalang kung ikaw ay isang mahirap ay tunay nga namang isang pribilihiyo o ” a dream come true” ang tunay na makakamit… na isang tagumpay na tunay na napakatamis.

Aminin man natin o hindi tayo ay alipin ng mass media… ang telebisyon ay bahagi ng ating buhay… ang anumang pagod, pagdaramdam, pagkalugmok ay sumandaling nalilimutan sa mga pagpapatawa ni Melai na natural at di pilit ang dating pati si Big brother ay pinipigilang humagalpak o gumulong sa katatawa.

Nakakagulat ang reaksyon ng mga tao sa tambalang Jason at Melai o kilala sa loveteam na MELASON kung bubuklatin ko ang aking twitter ay hinulaan ko na isa sa kanila ang tatanghaling “big winner” isang pambihirang pagkakataon na sila ang unang pumasok sa bahay ni Kuya si Melai sa house A at si Jason naman sa house B sa sumunod na linggo ay pinagpalit sila Tom at Melai kung kaya’t sila ay nagkadaupang palad.

melason ever

Kung anuman ang maaring mangyari sa kanilang buhay ay ating patuloy na masasaksihan sa pagbubukas ng “reali serye” kunsaan sila na ang bida…di ba rubi? kung saan man sila dalhin ng kapalaran ay tunay na exciting sapagkat sa buhay showbiz sinasabing “you’re only good as your last project/series?

melason with maja and sam
wow dami na nila raket….di na ‘to char-char guys!!