ang bagsik ni ONDOY

1

Posted on : 03-10-2009 | By : | In : EMOTE ka dyan!!

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay natin ay hindi natin namamalayan ang pagdaan ng mga araw at sandali na tila baga isang kisap mata na lamang na nakikiraan ng walang pasintabi. Ang bagyong ONDOY ay nagdulot ng kasawian sa humigit-kumulang na tatlong-daang mga nilalang na ni sa hinagap ay hindi makapaniwala na isang Sabado ng umaga ng Setyembre 26, 2009 ay magiging isang malagim at kalunos-lunos para sa higit na nakararaming residente sa Metro Manila partikular ang Marikina, Pasig, Cainta, Taguig, Antipolo at mga probinsya ng Laguna at Batangas na mga naging biktima ng malawakang pagbaha na nagdulot ng kasawian na gumimbal sa buong mundo…nahigitan niya ang trahedya na idinulot ng hurricane Katrina sa Amerika at ang dami ng ulan na nagsimula ng hapon at magdamag ng Biyernes at kinabukasan pa ng Sabado ay nagtala ng hindi makakalimutang record ng kapinsalaan.

typhoon ondoy

cainta hospital

typhoon ondoy pics

Tunay na nakakapanlumong pagmasdan ang mga mukha ng mga taong walang sulingan sa kaliwa’t kanang pagdaing, ang patuloy na pagtaas ng tubig sa isang kisap mata ay isang bagay na hindi natin kayang pigilan, kami ng aking kapatid at ang aming Tita ay nakatakdang pumunta sa St. Luke’s Hospital upang kunin ang “biopsy” result ni Ella sa thyroid scan, may plano din si Tita Lol na dumaan kay Doktor Buenviaje sa Delos Santos Hospital ngunit tila baga isang babala ang naganap sa amin upang huwag kaming gumayak ng maaga, nakabihis na si Tita Lol ng kami ay magising at nakapagtataka nga na hindi nya kami minamadali. Nag “oron” pa kami habang kumakain ng umagahan at hindi namin namalayan na pumapasok na ang tubig sa loob ng bahay. Hindi lingid sa ating kaalaman na isang pangkaraniwan ng tanawin sa residente ng Sampaloc ang baha sa EspaƱa at sa mga kalyeng nakapalibut dito hinde na pinapansin na parang isang karaniwan na lamang na kaganapan, ngunit kakaiba ito dahil hindi na humihinto…as in non-stop. Nakakatakot…..isang masamang panaginip….isang DELUBYO….ito na baga ang katapusan ng mundo?