Archive for the ‘News’ Category


 Powered by Max Banner Ads 

Komedya ng Baler na nakakakaba

Thursday, September 4th, 2008

Isang balita mula sa gmanews.tv tungkol sa Komedya de Baler.

Takaw atensyon ang makulay na kasuotan ng mga aktor sa dula. Ngunit ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ng mga manonood ay ang gamit na itak ng mga aktor na pawang tunay at matalas. Kaya naman ang mga manonood ay tiyak na kakabahan dahil sa isang maling galaw ng aktor ay maaaring mauwi sa disgrasya ang palabas.

Basahin ang kumpletong balita

‘Baler’ costs Viva Films P100M

Monday, September 1st, 2008

Sa balitang ito mula sa Manila Bulletin, dalawang beses binanggit na ang Baler ay nasa Quezon:

Una dito:

Baler is of course it refers the town in Quezon where many illustrious people including the late President Manuel L. Quezon came from. If they titled the movie just “Baler,” the executive producer and head of the Viva Group of Companies Vic del Rosario opined that it could very well be a fitting title, considering the history and heritage that the town carries.

At isa pa dito:

On his party, scriptwriter Iglesias said: “When Viva asked me to write the screenplay for ‘Baler,’ I learned that it’s the project that has long been a dream of Sen. Edgardo Angara who happens to come from the Quezon Province. I’ve also long wanted to write a film about The Siege of Baler, so things got into the right places quite by coincidence, a happy coincidence.”

Sinasabi rin sa balita na masusi ang kanilang ginawang research. Na research kaya nila na 29 na taon na simula ng magkaroon ng probinsya ng Aurora kung saan naroon ang Baler.

Magpupuntung Baler kaya sila?

Baler Movie thread sa Pinoy Exchange

Bagyong “Lawin” Tatama sa Aurora

Wednesday, August 27th, 2008

Mula sa inquirer.net : ‘Lawin’ nears, to make landfall in Aurora

After making landfall in Aurora by Wednesday afternoon, the storm, which is moving west northwest at 17 kilometers per hour, was forecast to be over Baguio City on Wednesday evening, 340 kilometers west northwest of Baguio by Thursday evening, and 670 kilometers northwest of Baguio by Friday evening, it said.

Basahin ang kumpletong balita

Ayon sa PAGASA ay sa Baler ang landfall ng bayong ito kaya maging alerto po tayo. Maigi nang nag-iingat.

Baler sa Clickthecity.com

Monday, August 25th, 2008

Para sa mga gustu pang madagdagan ang kaalaman tungkol sa Baler, narito ang isang article mula sa Click the City:

Baler: A Remote Town Steeped In History ni Vic Albornoz Lactaoen

Visiting Baler is like leafing through the precious pages of history. Here’s a chapter on the Siege of Baler: The date was June 27, 1898, and the place was the barricaded stone church of Baler, where 33 surviving soldiers from the Spanish military command were gallantly making their last stand – determined to fight to the last man for their beloved country – in the raging Philippine –Spanish War. Starving, ailing and war-weary, they kept the faith and kept going long after the war was over. Bloodied but unbowed, the soldiers finally relented and hobbled out of the church almost a year after they occupied it.

Basahin ang kumpletong artikulo

Salamat kay Jhen Cuerdo sa kanyang Baler alert sa friendster.

Jeho Bitancor – Singapore Exhibit

Saturday, August 23rd, 2008

Jeho Bitancor

Matapos ang kanyang one-man exhibit sa Mistlin Gallery sa Modesto, California, ang ating tanyag na kababayang si Jeho Bitancor ay magkakaroon naman ng isa pang one-man exhibit sa Utterly Art Exhibition Space sa Singapore. Ang eksibit ay may titulong Of Milk Sweat and Honey Spit at itatanghal mula September 11 hanggang 24, 2008. Ang Utterly Art Exhibition Space ay matatagpuan sa 229A South Bridge Road, Singapore.

Balita sa Sineng “Baler”

Saturday, August 23rd, 2008

May ginanap na grand press conference ang sineng “Baler” kahapon sa Hyatt Hotel. Hindi inimbitahan ang batangbaler. Pinalabas daw ang balita sa TV Patrol kagabi. Narito ang balita na lumabas sa Philippine entertainment Portal:

Jericho Rosales and Anne Curtis team up for the first time in period film “Baler”

Medyo nagkakalinawan na kung ano ang istorya nang sineng ito at kung sino-sino ang mga gaganap. Di lang natin sigurado kung magdidipuntung Baler sila. Malamang hinde. Sa buong balita, ito ang nakatawag sa aking pansin:

According to Viva chairman Vic del Rosario Jr., this historical film has a budget of approximately P70 to P100 million. With many hours spent in doing research and the elaborate costumes and props to be used in the film, Baler is surely one for the history books. Direk Mark Meily even pointed out, “We are rebuilding the whole church, both inside and out, in the vicinity of Baler. We are rebuilding the town of Baler as it was 110 years ago.”

Ako ang naghighlight nung isang sentence. nire-rebuild pala ang bayan ng Baler na mukhang 110 yarsa ago. At sa vicinity ng Baler daw ginagawa. Nanditu po ako sa Baler at wala pa akung nababalitaang nagaganap na rebuilding dito. Kung totong sa Tanay, Rizal ginagawa ang set ay napakalayo yatang vicinity nitu ng Baler. Gumaganda ang istorya.

Balita Muna

Monday, August 18th, 2008

Mula sa inquirer.net: ‘Karen’ strengthens as it moves closer to northern Luzon

At 4 p.m., the storm, which packs maximum sustained winds of 85 kilometers per hour with gusts of 100 kilometers per hour, was located at 890 kilometers east of Casiguran town, Aurora province, the state weather bureau said.

Basahin ang kumpletong balita

At mula sa Sun.Star Pampanga: Province to put up satellite office in Clark

Officials of Clark Development Corporation (CDC) and the Aurora Provincial Government have forged an agreement for the establishment of a satellite office for Aurora Province inside the Clark Freeport.

CDC president Benigno Ricafort said the satellite office of Aurora Province in Clark will serve as logistics office for the promotion of agricultural and other export products coming from the province.

Basahin ang kumpletong balita

At mula uli sa inquirer.net: Another Port Irene in the works

A port city worth “billions of pesos” is set to sprout in Aurora province, northeast of Manila, where infrastructure projects have been slow because of the mountainous terrain.

The port city will complete a multi-modal development for the province after it was announced earlier that the Dingalan, Baler and Casiguran ports in Aurora were to be linked via roll-on roll-off (ro-ro) services.

Basahin ang kumpletong balita. Nasa ibaba ng page ang balita.

Rest in Peace – Ka Ending Bihasa

Friday, August 15th, 2008

Ending Bihasa

Ito po ay galing sa comment ng post tungkol kay Ka Ending Bihasa:

Ito po ay pagbibigay impormasyon na si ka ending bihasa ay pumanaw na po kahapon ika 14 ng Agosto ng umaga sa sa Veterans Memorial Medical Centre. Siya po ay iuuwi sa sabado at ibuburol sa kanyang tahanan sa bonifacio extension. Di pa po kumpirmado kung kelan siya ililibing. Basta ang sigurado pa lang ay ililbing siya sa kanyang sariling bakuran. Matatandaan po natin na siya ay isang mabuting mamamayan, ama , bayani, at ang LITTLE SERGEANT OF THE CROSS.