554 views

Baler Fiesta 2008 - Day 2

Mga ilang pictures ng Day 2 ng Baler Fiesta 2008

Hitik sa mga pasinaya ang ikalawang araw ng Baler Fiesta 2008. Kaya namili lang ang inyong lingkod ng mga ilang okasyon para pityuran. Ang mga naganap nung umaga at malayo sa plaza ng Baler ay di ko napuntahan kagaya ng Tuklas Talino at ang Shootfest sa Camp Ravina. Di bali, ang mga nanalo naman sa Tuklas Talino na isang singing at dancing contest ay nagtanghal sa Ms. Baler kaya nakunan ku din sila.

Baler Fiesta 2008

Pasado alas tres ng hapon ay nagkaroon ng opening ng Gorhet at Guhit, isang painting exhibit na ginanap sa Museo de Baler. Si Mayor Arthur Angara ang nanguna sa ribbon-cutting ng exhibit. Ang mga paintings ay magtatagal sa Museo de Baler hanggang August 24.

Baler Fiesta 2008

Nagkaroon din ng painting contest na ginanap sa loob ng munisipyo ng Baler. Ang paligsahan ng galing sa pagpinta ay nilahukan ng mga elementary at high school students na galing sa ibat ibang paaralan ng Baler.

Di naman mahulugang karayum ang dami ng tao na sumali sa Pabingo sa plaza. Buong hapon na ginanap ito sa munisipyo.

At siyempre ang pinakahihintay ng halus lahat, ang Binibining Baler 2008. Inabot hanggang alas 2 ng madaling araw ang programa. Abangan ang mga pictures ng Bb. Baler 2008.

******
BubbleShare: Share photos - Find great Clip Art Images.
I-click ang slideshow sa itaas para makita ang mga pictures.

Ang buong pagdiriwang ng kapistahan ng Baler ay mapapanood ng live sa local CATV, ang Interlink. Ito ay mapapanood sa Channel 11.

2 Responses to “Baler Fiesta 2008 - Day 2”

  1. kid Says:

    sir baka po pwede magupload ng video nun nakaraang lukso happy 5? salamat po..

  2. joseph Says:

    Wala akung video ay. Di aku nakapunta. Kung may video ka upload mu sa youtube saka send mu sa akin ang link.

Leave a Reply