504 views

Baler Fiesta 2008 – Day 1

BubbleShare: Share photosCreate and Share Crafts

Unang araw ngayun ng limang araw na pagdiriwang ng Baler Fiesta. Kaninang umaga ay ginanap sa munisipyo ang Baler Historical Quiz Bee na taon-taon isinasagawa sa pakikipagtulungan ng DepEd. Walang masyadong audience sa okasyong ito maliban sa mga kasali at mga coach nila. Sana sa susunod ay sa plaza ito gawin para maraming makapanood.

Baler Fiesta 2008

Kaninang umaga din binuksan ang coco-sabutan festival. May mga booths sa harap ng munisipyo na itinatanghal ang mga lokal na produkto at pagkain ng Baler. Dumalo sa ribbon-cutting si Aurora Governor Bellaflor Angara Castillo, si Baler Mayor Arthur Angara, Vice Mayor Pilot Bihasa, mga konsehal ng Baler, si Ric Gutierrez na Chairman ng Festejos ng 2008 Baler Fiesta at mga kandidata ng bb. Baler.

Baler Fiesta 2008

Baler Fiesta 2008

Nagkaroon din ng raffle draw kaninang hapon at naganap din ang ika limang Lukso Happy Skateboarding Competition, isang okasyon na dinadayo hindi lamang ng mga skaters na tiga Aurora kundi pati na rin ang mga ibang sumasali mula sa Maynila, Baguio at iba pang lugar.

Baler Fiesta 2008

Halos tapos na rin ang mga arko ng ibat-ibang barangay at opisina sa mga kalsada sa poblacion ng baler. Magandang tingnan ang mga dekorasyon, pistang pista ang dating. Ginatosan talaga ng bawat barangay. Contest yata ito ay may premyo ang pinakamagandang arko.

I-click ang slideshow sa itaas, o ang link na ito para makita ang iba pang mga larawan.

Share and Enjoy:
  • Print this article!
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • Turn this article into a PDF!
  • BlinkList
  • Fark
  • LinkedIn
  • Live
  • E-mail this story to a friend!
  • MySpace
  • Netvibes
  • Ping.fm
  • Reddit
  • RSS
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr
  • Twitter
  • Yahoo! Buzz

Related posts:

  1. Baler Fiesta 2008 – Day 2
  2. Baler Fiesta 2008 – Day 3
  3. Bb. Baler 2008 – Coronation Night Pictures
  4. Baler Fiesta 2008 – Program and Parade
  5. Baler Fiesta 2008 – Lukso Happy 5

Leave a Reply