Ate Donna's Tribute to Baler

Huy! Batangbaler is still alive!

And to start the new season of this blog, we will present a facebook hit from Ate Donna, who has compiled (and still compiling) a sort of “Everything You Need to Know About Baler” list. So if you think you’re a true blue Balerian but can’t relate to half of these notes, then you’re in trouble. You’re on the wrong side of history baby!

Ate Dons already has 3 installments of this thing and the unsolicited additions are still pouring in like subasko. These should be compiled in a book, turned into a rap song, a musical or even a movie – Baler Part 2: Ehe Ay Oyo!

And here are the goodies!!!

SANG KA PA BAET?
(a tribyut to BALERyano’s)

Tayu na’t magpiknik sa Kalewan
Mag-e katid sa tulung ni Ka Bener
Asiman ng lamunyaw o kabulaw
Tunay nga namang ika’y mapapa akkaw

Mag sig-ang ng paraw na may pang asim na ngarit-ngit
Mag tatak ng pilaway
Pumunta sa Dibitognin at kumuha ng bitanga
Magsunggkit ng katt-ing… dapa

Magtaktak ng buting
Magsitsaron ng kibit ( huwag pakainin ang mga may ek-ek)
Put-tewan ng susu
Mag e angluy o ulabas sa tekewan
Mag ihaw ng singkag at usot
Kunutin at higupin ng malakas ang tunug

Magbabad ng nami
Maghukay ng araru
Pasarapin ang tinolang manuk
damihan ng salay,dahun ng malunggay at apaya

Magpiritu ng saba na walang asukar
Magtakaw ng pakaskas
Maggawa ng pakumbu
Magpolborun ng yelow korn

Magbahug ng kape sa kanin
Mag-ulam ng mantika na may toyo
Magbulang-lang
Magkisa ng kamuti
Magpa-anggi ng gina-nga
Magsaing sa gata ng tulingan

Magbagkat ng mani
Magpatupat…anu nga po Ka Paul?
Magsinukmani
Magbinatug…mag putu maya

Marewat-rewat ng ulam
Magpiritu ng okra
Magbinagu-ungang kamanggsi
Magmatam-is na rimas

Halina at magmeryenda kay Fermina
Pagpares-pares punta na kayu kay Ka Paloy
Mag goto kay Maryo
O di kaya’y mag sizzling sa La Chez…

Alalahanin ang linamnam ng suman ni Ka Nating
Ang pansit lug-lug ng Diosa’s Coffee Shop
Ang dinug-an ni Ka Piyanang
At ang pansit na may sabaw ni Ka Pertu

Magbangka at magbadeyu sa Tibag
Umakyat sa parola
At mag e paku sa ulanggu
Tumawid sa roknet-roknet na “hanging bridge”
Magpalek-lek sa dike

Mag e katmun..buli..tagbak…alimuran..ibubug..kurombot..ang-gu..lipoti..malapasi..sapinit
Maligu rin sa ilog ng bayan at magpa ne-ut ng niyog kay taraok sa iba-ba
Mag-ibutol, magbulay,magpili, maglaga, magbatad, magbilad, mag-amyod at maglala ng sabutan bow!
Mangolekta ng pambuli…katangan…at hulmaan anu nga po Cha Lading?

Magpahangin sa fishport
Mag e pisepis sa munting gasang
Mangilaw o di kaya’y mangawil sa Cementu
At umakyat sa Ermita Hill ng may kaabrasyete…asos

Magpal-am sa niyug
Umadyu sa bayabas
Magpeyok sa lateris
Magdagtu ng galyang at saba
At adwasan ang o-ung

Magparadusdus
Mag ginat-ang bayabas
Ibahug sa mainit na tutung
Magbangi ng biningkit
At ibudbud sa sampuradung hinaluan ng kokoa na ubud ng pait

Mag order ng dinagtu kay Nana Pets
Magpa putu kay Ka Amor
Pagtinutuin si Ka Gelang
Mag sa-ad ng atsara.. o pinut bater kay Ka Pacing
Bumili ng kakanin kay Ate Nitra
Magpa keyk kay Ebeng
At mag sisig kay Ay-tok

Bumili ng langgunesa kay Aling Siming
Ng lamang luub kay ka Thelma
Mag hot pandesal sa Rellasiva at
O di kaya’y mag cheese bread sa Hokam

Mag smart groceret
Mag ice cream sa caltex( de ga-as saka gasulina)
Bumili ng butunis sa Charlie’s bazaar
Sadyain ang pakung bakya sa Dithas

Mag skateboard sa harap ng munisipyu
Mag- utang kay Tuwalya
Mag ukay-ukay kay Rene at Ka Levi

Magpabasa ng pasyon kay Ka Tikka
Manuud ng Kumidya…at magkakaransa pagdating sa bahay
Gayahin ang pagiging mahinhin ng Princesa
At kung paanu magkokorebsaw ang Mora
Kabahan ng umaatikabu sa kintab ng mga itak
Magpa awit kay Ka Lading at Larry Marco
Magpadasal kay Ka Sotto, Ka Banang at Ka Bale
Magrequest ng peborit mung song kay DJ Sabana
At makinig sa komentaristang si BR

Magpatawas kay Konsehal Ben Mata
Magpa “midyum” kay Ka Ading
Magpahilut ng puntada kay Ka Ben
O magpa massage kay Roda
Magpakabit ng catv kay VM Pilot
Mag PX o red wine sa Yer
Mag halu-halu o lechon manok sa Mely’s
Magparebond kay Johndale
At umorder din ng Avon kay Ka Maring

Mag garlic chicken sa Bays Inn
Mag seafood chopsuey sa Gerry Shan’s Place
Mag palabok sa Jack and Jill
Mag cheeseburger kay Reggie
Magbakasyong grande sa Bahia o
Di kaya’y mag chek-in sa Amihan

I-friend si John Arcilla sa facebook
Magpabinyag ng anak kay Fr. Andy
Makinig sa sermon ni Fr. Alex
At makipag kwentuhan kay Fr. Boyet

Gawing reception ang AMCO at Moreno’s
Mag overnight sa Dikasalarin
Mag surf sa Sabang
Mag dive sa Anyaw
Mag jogging sa labasin
Magpalipas ng maghapun sa Puntian
I-istok si Jericho Rosales kun sinu kasamang chick
Arkilahin ang sound system ni Ka Alma

Magpaturu ng talumpati kay Ka Benny
Ng history kay Mrs. Mesina
Ng piano kay Mrs. de Asis
Ng banda kay Tomo at Alpons
Makipag oron kay Tya Rosa
Makinig sa kwento ni Ka Celeb
Makipagbulaanan sa kapatid ni Amy( sa Baler mayrun bata…walang problema sa buhay-buhay)
At mag-atab…atab…magkaput-kaput ng tula…ehem!!

Baratin ang prutas kay Yolly
Mag-iskrambol sa Kabiran
Makipag tong-it sa Pingit (saan sa Dipanamianan, Dau, Puntangan, Virrey o Dibalo?)
Makipag binggo sa kurba
Magpa albularyu sa matinik(ay nariyan laang si Ka Iting sa Dike)
Magpapalansta kay Ka Soling
Magpalala ng sumbrero kay Ka Julita at sa Pasalubung Center kala bebi
Magpakuha ng pelisyokin o alikek na balutan ng pinilag kay Ka Taptap
Mag relax sa Clemente’s
Mag order ng buhangin sa Vanmarville

Mag internet sa Burgos at kala Baldug
Muling ibalik sa gunita ang panunuud ng sine sa 4M at Georgina
O di kaya’y ang panunuud ng betamax sa pawnshop sa Suklayin
Tumubus ng retratu kay Mang Carding na walang antisipu
Magpa xerox sa Virben’s
Bumili ng tubig kay Pandus o kay Kap….ng gasul kay Cicil
Mag Rosie’s batik na
Magpatahi ng gown kay ka Carmen
At magpasayaw sa Nais ng Ina sa pangunguna ni Ka Ott-tik

Makipag purisiyon sa Biyernes Santo
Matakut sa mga pinitensya
Humalik sa Poong Santong Tierro
At magsimba sa beach sa pasko ng pagkabuhay

Humanga sa paintings ni Jeho
Pikturan ang obra ni Vincent at Roy
Suportahan ang batang baler ni Kidlat
Basahin ang mga artikulo ni Poppo Olag
Kumanta sa kundiman ni Jo Mora
Panuurin ang mga shows ni Metong sa kapusu…asosss
Mag pa “cute” sa banda ng Blue Island
Kumanta ng usol sa bidioke ni appey……ay sya na kayu

Wag kalimutan ang “timeless tales of Tantul”
At ang malamig na boses ni Ka Em-moy
Ang unang sinehan ni Hunas at ang nasunug na Lopez cinema
Ang akaw….u ari…ikaw ta ay…makimuka
Atti-lauy…dyableg…at-tes…adaday….dulmun..
toprak, bayuyuk..alingeg…abyad..daretdet..katnig..wakawak
garagal…daplag..aruparup…saluput…dep-pot, muyas-muyas,
weredwed…tagyapun..at maraming marami pang iba!!

Asos… ay sang ka pa baga pupunta niyan?
Ay makimuka…sang ka pa naman dadayu?
At-tes ay wag naman na kayung magdepuntu da
Ay akaw kung anu ka naaa
Datay naitu na lahat…ansaya pa
Sam pa?….o ay di sa……BALER!!
Kayu ta naman ay…siyemplu Ka Deko!!

23 thoughts on “Ate Donna's Tribute to Baler”

  1. Are, ay may dalawa akong de alam–PUT-TEWAN AT ANGLUY. Anggu alam ko, yung tinutunggal namin sa may Binilwag ‘pag panahon na ng pulew-pulew.

    Anong grade ko, Kidlat? Dalawang palakul?

  2. hahah galing! pustahan tayu de na alam ng mga bata ngay-un yung karamihan dyan…yung adwas meron pa kaya nuun? masarap na pang-asim tsaka pinapapak ko nuung bata binibilut sa asin hehe.

  3. hehehehehehe. panalu, mula sa sinaunang henerasyon pa yata yung ibang character katya de ku kilala.

    ay saan kapa! paneut/pahiram nitu Kid at Ate Donna, kung sinu ka man po! maipost man lang sa walang kwenta naming blogsite.

  4. may aduas lang na tinda sa palenke. nagpadala lang si erpat last week. kumusta na kaya si pakuwan? yung peanut butter ni ka pacing ang klasik! at pag si ka celeb nga naman ang nag kuwente bok. :thumbs up:

  5. ay kaya nga naman basta aku laking baler at proud aku todo.

    ay are wala ng lugar na mas higit p sa baler xempre the best na itu.

    hu..hu batang baler aku.
    arvea.

Leave a Reply