Powered by Max Banner Ads 

Kwentong Luwas

Talagang de kumpleto ang pagiging taga-Baler mu pag wala kang kwentong luwas. Kung ikaw ay may kwentong luwas, byahe, hilo, sukahan, stranded, agawan sa jeep at bus, landslide, kain sa villa, at marami pang iba, i-share na ninyo dito sa comment. Ang may pinakamagandang istorya ay may premyong bonamine.

Na inspire ako ng kwentong ito mula sa blog ng Tropang Spider, ang mga Batch 12 ng ANSHS: Tara na Byahe Tayo! ( Papaitan, Lugaw, Dyamengo, Adobong Pusa, Lucy Express atbp.)

Si(la) Suki. Ay kilalang kilala itu ng mga tiga baler. Kahit nung sa may lumang palengke pa lang ang paradahan ng mga Bus at Jeep na paluwas, at de pa pwede daanan ang Canili, tau na sila. Sila yung nagtitinda ng suman na mga tiga buhangin(?).Yung isa yung kulut na medyu makapal ang make-up sa mukha at yung isa naman yung kulut din na medyu chubby ( may premyo ang makakahula ng pangalan nila). Sila ay si Suki, dahil suki nila lahat ng pasahero. Peru de naman sila kagaya ng mga nagtitinda sa terminal ng Cabanatuan na pag tiningnan mu lang o nagtanung ka ay babayaran mu na yung tinda nilan Zest-O o mani, pag de mu binayaran, nanghaharass sila, masyadung mga bayolente. Mabait sila suki kahit medyu pabagu bagu ng presyo ang kanilang tinda. Pag akyat mu ng Bus, aalukin ka ng suman, P30 isang tali (ang isang tali ay sampung pirasu). Pag medyu alam na nilang paalis na ang sasakyan, makukuha mu na lang ng P15-P20 isang tali. Regular figures pa rin sila hanngang ngayun sa terminal ng Genesis sa Duongan at sa terminal ng Van at D-Liner sa palengke.

Basahin ng kumpleto ang kwento

Related Posts with Thumbnails

Comments

comments

This entry was posted in Aurora, Baler, Blogs, Links, Travel. Bookmark the permalink.

18 Responses to Kwentong Luwas

  1. Topher says:

    Panalu! naalala ku tuloy nung naglakad kami nila Sherwin ng Red Cross and Janet Fernandez mula Bongabong hanggang Villa!dalawang araw at isang gabing naglakad. Pwede rin palang mapigtas ang Islander na tsinelas..

  2. anscibatch12 says:

    ayus! na hijack na naman sa “mainstream” ang kwento namin! hehehe.makatuwa lang pag naalala ku ang mga ganyang kwento, kaya nung minsang walang magawa at nagiisip ng mga obrang pagkwentuhan, naisipan kung gumawa ng ganyan, nakahakut naman ng ilang comments at ngayun ay naitu na sa BB. makamiss na din ta umuwi sa baler ay. sigi, tsineck ku lang kung tutuu nga ang tsismis ni betong. ay tutuu nga. hanggang sa muli

  3. Mabuhay says:

    Ang makatuwa nuun ay ang carera ng MBC na homebase ay Baler at ng Victory Liner (Dipaculao ang homebase). Akaw ay tuwing magkikita iyung drivers ng dalawang bus sa bunduk , akala mu mga dagang karipasan ng takbu sa kabundukan hanggang magsukahan na ang mga pasaheru. Palagi namang talu ang Victory pero de pa rin magtanda iyung driver kahit na isang oras na yatang nakabuntut sa MBC at nakain na alikabuk. Walang air con nuun ang bus kaya pagkatapus ng karera akala mu multu ang mga pasaheru at punu ng pulbus na alikabuk Ang matinding alikabuk ay sa Bongabon dahil palaging tuyu ang lupa gawa ng maski na nuun, kalbu na ang bunduk sa gawing Nueva Ecija de gaya sa atin na maraming punu kaya medyu basa-basa palagi ang karsada.

  4. Mabuhay says:

    Itu naman ang nakakakilabut na experience sa biyahe. Tuwing tag-ulan na karaniwan naman ay simula ng klase sa Maynila at panahon ng bakasyon sa Pasku, maraming estudyante sa mga bus. Minsan nakasama aku ni Tatay na dalawin ang mga kapatid ku sa Maynila nuung tag-ulan.

    Aydi dagasa nga sa Baler nuung umalis ang MBC peru dahil sanay na tayu sa tag-ulan, aydi tuluy din laang ang biyahe. Kamukat-mukat mu baha na pala sa Villa at maraming landslide sa bandang Nueva Ecija. Akaw ay akala mu na Sabang sa ingay ang agus ng tubig sa Villa. Adi de nga makatawid yung MBC. Babaan ang mga pasaheru sa bus at naglakad sa tulay na kahuy papunta baga duun sa rest house ni Quezon. Kaming mga bata ay natira sa bus. Nuung ginagaygay ng bus ang kulang-kulang na sahig na tabla ng tulay, akawwww ay lagitikan ang mga kahuy at pagewang -gewang iyung tulay, Ay nag-iyakan na iyung maliliit na bata kasama ku, may mga napaihi nga ay. Kinilabutan din aku at nagmamatang langgam na rin peru natiis ku pa ring wag pumalahaw. Sa awa ng Diyos, nakatawid din kami sa tulay at natulug duun sa rest house ni Quezon. Kinabukasan ng tanghali, nagawa na raw ang daan sa may Labi kaya nakarating din kami sa Maynila kinagab-ihan din.

  5. reagan_rl03 says:

    nung grade 5 ako naalala ko pa ang pantranco.. pra sakin nung bata ako ang sikat na bus eh pantranco… tapos ang skayan nya sa may espanya pa. tapos ang bus na byaheng cabanatuan nun ung DALIN, hehe sa espanya din.. pag sa jeep naman nun lhat gus2 sa taas sila nkapwesto.. khit marami pa space sa loob gus2 sa taas pa rin ng jeep . hehe..

  6. Lola Binday says:

    akaw ang pinakamahirap nuun na naranasan ko ay yung pauwi ng December. masama na ang panahon pero sigi pa din sa pag-uwi. Nang makarating na sa bunduk ay akaw ang dami na palang landslide…de na makadaan sasakyan. de na din makabalik sa villa dahil malayu na din. buti na laang at yung isang kasabay namin may dalang ham…akaw ay de na nakarating sa kanila yung ham at yun na ang ulam..nakisaing na lang sa trak na stranded din..Kinabukasan maghapon naglakad sa putikan.

  7. tsismoso rin says:

    hehehehe, akaw, ay nang maalala ku nuung humintu kami nuun sa villa at kumain muna, pagkatapus, ay di sakayan na ulit. de man laang nagbilang iyung pahinante ay di may naiwang isa. nagulat pa kami at yung pasaheru na naiwan ay inaabangan na kami sa baler, yun pala ay di nakasakay siya sa ambulansyang pauwi na ng baler heheheheh

  8. tsismoso rin says:

    ay, tanda ninyu iyung dragon bus baga na nga iyun na nagbubuga ng apuy hinde sa harap kundi sa puwit?

  9. pepe says:

    nung college aku kasama ku ung kpatid kung babai,si ria..nilagyan xa ng isang taling suman sa tabi nya..ay pers taym nyang sumakay nun sa genesis..de ku naman alam na binigyan xa ng suman..tapus sabi na lang nya sa akin na may nagregalu daw ng suman sa knya.. kya may pasalubung na kami! ay dyableg akla nya pri iun.. si suki nga kidlat na akala mu ay super close kau ng todo..ang bahay nun ay sa may lumang palengke..basta related un kay aling ligaya na nagtitinda din ng kakanin sa lumang palengke.. kung de aku nagkakamali ay JOSIE ang pangalan nito… tama baga?are ay tinanung ku pa si nanay ol da way from barcelona..sana de aku mali..

  10. bubc says:

    kami naman taga-dilasag ay marami rin laang na wento tungkol naman sa weapon carrier. susmarya kung anong meron sa villa ng klase ng daan ay gan-un din sa pa-casiguran

  11. lagkit says:

    ang de ku makalimutan ay nuung nakasabay ku sa jeep paluwas yung kras ku. ayus pa naman ang ngitian namin. bigla ka nga naman sumuka sa harap ku! ay di nasukahan yung bag ku. peru kras ku pa rin siya. ;)

    ang gustu lagi kainin sa villa ay sinampalukan dun sa katabi dati ng DENR.

  12. eske says:

    ay itu nman ang aking munting kwento,hehehe medyu alam ku nranasan na din itu ng iba sa inyu,hehehe ay last december lng ata itu oohh nitung april lmang.hehehe sikat ang mga taga casiguran..(hehehe tiga baler aku) ay sukat ta naman ganitu maaga kmi umalis ng maynila mga 1am,at sabi ku para nde mahirap sumakay sa genesis at paniguradung agawan ng upu dhil pauwi ng baler ang mga tao ditu sa maynila nuun,kaya sa es transport kmi sumakay pacabanatuan,akaaw ay pagdating namn sa cabanatuan terminal mga 3 o 4am yata un ay wala png dliner..hehehe ay dami pa nman n din pasaheru mga taga casiguran p nmn mga wadi kumbaga..hehe akaaw ang malupit nung dumating na ung dliner wala pa lmang sa saktong terminal o paradahan hinahabul na ng mga wadi,pugaykamay para bagang mga spiderman na sa bintana na tinatalun na nila at baka nde sila makasakay,haha ansarap panuurin ang bilis mga magkulasan pagdating nung bus,pati sa bubung mdun din..ayun ay aku na taga baler pinagbigyan ku na lng de na aku nkipagagawan at de aku talaga mkikipag agawan dun khit anu manyari akkaww sa lalaki ng katawan ng mga iyun siguradun etchepwera ka talbug ka sa kanila..hehehe buti na lmang my pabyahe na din na van,mabuti at nakasakay din wala png kaagaw…kasu mga 5am na ata kmi lumarga,gaykamay sabi ku sana sa maynila n lng aku sumakay sa genesis nde pa aku napuyat ng todo..hahah yun lamang peace mga wadi!!!

  13. panday's girl says:

    are de nyo pa alam! sosyal na yung isang nagtitinda ng suman. caretaker na siya ngayon ng students’ dorm sa me TESDA compound. pero ganun pa din, kulot pa din at mala angelina jolie pa rin ang lips.

  14. panday's girl says:

    ay ang mga kapatid ko nang pumunta ng baler for the perstym nabilib sila sa tig do dos na bbq sa villa. oh ano inabutan ba niyo un?

  15. rr says:

    Ay yung tatlung pinagtataling pinya sa Diteki, pisu laang isang tali? Saka yung tigdidiyes na nilagang mais sa Cabanatuan? Upung diyes pa nuun sa Lealtad, Espana, Morayta at Recto. Akaw ay usu pa ta nuun ang miniskirt kaya ubud kulit yung driver na sabihing upung diyes po lamang mga Miss.

  16. rr says:

    Pagdating sa Monumento, sigaw agad yung conductor: Oh, mga bata, mga kababayan, nasa ciudad na po tayu! Huwag lamang pong ilabas ang ulu at mga kamay sa bintana at baka mapigtas! Sarahan naman yung ibang mga Nanay ng bintana at baka mapigtas yung mga kamay nung mga sanu nilang anak na bagung salta sa Maynila!

  17. balerian says:

    Nuun tatlu palagi ang nagtatarabhu bawat bus: Driver (Mang Ben, Mang Doming, Mang Mando, etc); conductor (Berek, Momoy, etc) at washing (hindi ko alam ang mga pangalan. Kaskasero si Mang Mando. Palagi akong tabi ni Mang Ben, libri sa pasahe ang bata either sa tabi ng driver, nakaupo sa balde ng tinapay o nakaupo sa sako ng bigas sa pinakang “hallway” ng bus.

    Nang lumaon, nadagdagan ng isa o dalawang sundalong PC mula San Luis hanggang sa may boundary ng N. Ecija. Ang mga PC armado ng armalite, at granada, sangkatutak ang balang dala. Isa nasa estribo, isan nasa gawing huli ng bus. Manaka-naka, may mga PC checkpoints sa kahabaan ng Sierra Madre, tiyak na may check point sa San Luis, Villa at boundary. Iyan ay pakanang lahat nung Martial law ni Makoy.

  18. kylie says:

    hahaha…punong puno ng alikabok yung mukha ko..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>