Isang Paanyaya

Sa kasalukuyan ay may nangyayari pong usapan at pagplaplano tungkol sa pagtatayo ng isang “international” na asosasyon ng mga tiga Aurora na may malasakit at mithing makatulong sa ating bayan sa pamamagitan ng ibat-ibang paraan. Nais po naming makasama kayo simula sa pagplaplano hanggang sa pagsasakatuparan nito.

Magkakaroon po ng sariling website ang adhikaing ito, subalit sa ngayon ay maaari na tayong makisali at makiugnay. Pumunta lamang sa Yahoo group na ito at magrehistro: http://groups.yahoo.com/group/auroraprovince/. Maaari ring maki-oron sa lingguhang usapan sa Batangbaler Chatroom (www.batangbaler.net/chatroom) tuwing Sabado, alas 10 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Salamat po.