Palace OKs citizens' arm vs illegal logging

Magandang balita ito. Maganda ang ginagawang aksyon ng Task Force Sierra Madre. Dapat silang tulungan nating mga tiga Aurora na ang mithi ay pagmamalasakit sa ating mahal na probinsiya.

Mula sa inquirer.net:

President Macapagal-Arroyo and forest protection advocates have agreed to form a citizens’ body to fight continued illegal logging in the Sierra Madre mountain ranges, the head of a Church-based forest protection watchdog said Tuesday.

The move, according to Fr. Pete Montallana, came in the wake of the apparent failure of the Department of Environment and Natural Resources and other government agencies to stop illegal logging in the area.

Montallana heads the Task Force Sierra Madre (TFSM).

He said Bishop Rolando Tria Tirona and a delegation from northern Quezon met with Ms Arroyo last month in Malacañang and voiced serious concern on continued illegal logging in Sierra Madre.

Nandito ang kumpletong balita

4 thoughts on “Palace OKs citizens' arm vs illegal logging”

  1. Iyan na nga ang magandang resulta ng signature campaign laban sa logging ng mga taga Infanta na balita noon pa sa Metro Infanta Foundation website. Lahat yatang taga North Quezon nakisali pati yung mga grade school students. Kabutihan pati sa kanila, karaniwang tao, NGO at mga pari nagkakaisa.

    Buti na lang nasabit ang Aurora sa magandang resulta, lalo na ang Sierra Madre area gawing Dingalan.

    Sayang lang at ang mga Aurorans ay nagsisikmatan sa Aurora ph.

  2. Sino-sino po ba ang mga Officer ng Task Force Sierra Madre? Back-up workers ba sila ng DENR? Approved daw ni Pres. Arroyo ang mga ito kasama ang mga Pari ng Simbahan sang-ayon sa mga balita upang labanan ang illegal logging.

    Task Force Sierra Madre, DENR, Simbahan, Mamayan, Malacanang, sama-sama together para magka-isa pigilan ang illegal logging, programa na approved ni Pres. Arroyo.

    Sa Group na ito Mamamayan po ang higit na nakaka-alam kung sino-sino ang mga gumagawa ng illegal logging, subalit kadalasan nauumid magsalita dahil nakapaligid sila sa Poder ng Kapangyarihan o Power. Kaya masasabi ko po na Sali’ng Pusa lang ang mga mamamayan sa paglaban sa illegal logging sa Aurora. Open Secret na po ang Illegal Logging sa ati’ng Lalawigan. Alam na alam po yan ng Mga Municipal Mayors.

    Kapag nagsalita na mamamayan sa media, nalalagay sila sa balag ng alanganin, tinatakot sila at pinagbabantaan. Kaya ang pobre’ng Mamamayan tatahimik na lang para di takutin.

    Malaki’ng Circus po ang istorya ng Illegal Logging sa Aurora.

    Kailangan mas Concrete na Programa, Batas na hindi dapat Mabutas. Para’ng Seasonal lang ang Programa laban sa Illegal Logging. Lumipas na po ang taon buhat ng massive landslide pero ganon pa rin malakas ang illegal logging.

    Nakakasawa na po madinig ang mga Pangako na Programa ni Mrs. Arroyo laban sa Illegal Logging wala nama’ng nabago sa sitwasyon. MAHINA at MABAGAL po ang Programa ni Mrs. Arroyo gawa ng pulitiko apektado ang ekonomiya at pamumuhay sa Lalawigan ng Aurora.

  3. Kung mahina man ang mga programa ni GMR, gaya ng halos lahat niyang programa sa Pilipinas ( lowest approval nga sa history ng Pilipnas?), eh ano naman kaya ang ginagawa ng mga local na opisyales natin? Hindi baga’t sila ay mga taal na taga Aurora, tunay nating mga kamag-anak, kahalubilo at kababayan na dapat nagmamahal sa ating lalawigan?

  4. Mayroon bagang State of the Province Address sa Aurora? Kailan at paano natin mababasa o malalaman ang mga nilalahad? Si GMA may SONA, Gov. ng Quezon may State of the Province Address sa July 24. Paano kaya sa Aurora? Magsasalita baga si Gov. Castillo?

Comments are closed.