Bagong Museo De Baler

Museo de Baler

“This mural I dedicate to the youth of Baler that they may always remember and strive to emulate the valor, self-reliance and quiet heroism of their ancestors who all lovingly cared for their children and aspired to give them a better life.”

Senator Edgardo J. Angara
Dedicated June 30 2008

***

Kasabay sa pagdiriwang ng Philippine-Spanish Friendship Day noong Ika-30 ng Hunyo ay ang pag-i-inagura at pagde-dedika ng bagong “Baler Historical Mural”. Ang mural na na ito ay makikita sa harap ng gusali ng Museo de Baler at inilalarawan ang mahigit apat na raang taon ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas, mula sa kanilang pagdating hanggang sa pag-alis ng “Los Ultimos Filipinas”, ang mga Kastilang sundalong nagtanggol sa simbahan ng Baler sa loob ng halos isang taon matapos isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Makikita rin sa mural ang ilang mga larawan ng kaunlaran sa Baler at sa bayan ng Aurora.

Museo de Baler

Ang bagong mural na ito ay ginawa ng tanyag na iskultor Toym Imao. Si Toym din ang gumawa ng rebulto ni Andres Bonifacio sa Bonifacio Historical Shrine sa Maragondon, Cavite, at kamakailan lamang ay nabalita dahil sa kanyang disenyo sa E-jeepney, ang jeep na tumatakbo sa pamamagitan ng kuryente. Si Toym ay kinumisyon ni Sen. Edgardo J. Angara upang gawin ang mural na ito. Siya ay anak ng National Artist na si Abdulmari Imao.

Museo de Baler

Si Mrs. Ilovita Mesina, habang ipinapakita ang noon ay plano pa lamang ng mural sa Museo De Baler. Kuha ito noong June 30, 2007.

Toym Imao

So Toym Imao noon June 30, 2008 sa Museo de Baler.

Magandang pagmasdan ang likhang-sining na ito sa parke ng Baler. Kapag ganito ang pinagkakagastosan ng pera ng Gobyerno ay wala akong angal. Sana sa susunod ay bigyan naman nila ng pagkakataon ang mga local artists na makagawa rin ng mga ganitong klase ng public art. Ito’y isang hakbang pasulong sa eksenang sining ng lalawigan ng Aurora.

I-click ang slideshow sa ibaba para sa iba pang larawan ng bagong Museo de Baler.
BubbleShare: Share photosPowered by BubbleShare

Leave a Reply