
Noong Lunes, July 21, 2008, ay ininagurahan ang UP Manila School of Health Sciences – Baler, Aurora Extension Campus. Ang paaralang ito ay mag-o-offer ng ladderized courses sa midwifery, nursing at medicine. Pansamantala itong mamamahay sa ASCOT Zabali Campus habang hindi pa naitatayo ang permanenteng gusali sa Brgy. Reserva. Dumalo sa inagurasyon si Sen. Edgardo J. Angara at si UP President Emerlinda Roman.
Ang programang ito ay sagot ng UP sa problemang “brain drain” o “brain hemorrhage” na kasalukuyang nangyayari sa industriya ng kalusugan sa Pilipinas. Ang modelo ng programang ito ay ang matagal nang ginagawa sa UP School of Health Sciences sa Palo Leyte. Ang mga mag-aaral dito ay walang UPCAT, pinipili at ini-sponsor ng mg lokal na pamahalaan at may kasunduang maglilingkod sa nasabing bayan pagkatapos mag-aral. Ang bawat school year ay nahahati sa apat na quarter at walang grade ang mga mag-aaral maliban sa “Passed” o “Needs Tutorial” para maiwasan ang kumpetisyon. Ladderized o baha-bahagdan ang kurso dito na magsisimula sa midwifery, pagkatapos ay nursing at hanggang medicine.
Narito ang balita mula sa Manila Bulletin na sinulat ni Ariel Avendaño:
A satellite campus of the University of the Philippines’ School of Health Sciences (UPSHS) was inaugurated here the other day.
UPSHS, which would serve four adjoining provinces, is intended to convert Aurora – located some 230 kilometers north of Manila – into the health hub of northeastern Luzon.
The extension campus is also intended to produce graduates of medicine-related courses who would fill the void caused by the lack of health professionals in the countryside.
Continue reading May U.P. na sa Baler →