Para sa mga Wordpress bloggers, ito ang event natin. Makakaluwas na naman ng Maynila at makikita ku na naman ang mga tao sa likod ng mga paborito kong blogs.
Sa kasalukuyan ay may nangyayari pong usapan at pagplaplano tungkol sa pagtatayo ng isang “international” na asosasyon ng mga tiga Aurora na may malasakit at mithing makatulong sa ating bayan sa pamamagitan ng ibat-ibang paraan. Nais po naming makasama kayo simula sa pagplaplano hanggang sa pagsasakatuparan nito.
Noong Lunes, July 21, 2008, ay ininagurahan ang UP Manila School of Health Sciences - Baler, Aurora Extension Campus. Ang paaralang ito ay mag-o-offer ng ladderized courses sa midwifery, nursing at medicine. Pansamantala itong mamamahay sa ASCOT Zabali Campus habang hindi pa naitatayo ang permanenteng gusali sa Brgy. Reserva. Dumalo sa inagurasyon si Sen. Edgardo J. Angara at si UP President Emerlinda Roman.
Ang programang ito ay sagot ng UP sa problemang “brain drain” o “brain hemorrhage” na kasalukuyang nangyayari sa industriya ng kalusugan sa Pilipinas. Ang modelo ng programang ito ay ang matagal nang ginagawa sa UP School of Health Sciences sa Palo Leyte. Ang mga mag-aaral dito ay walang UPCAT, pinipili at ini-sponsor ng mg lokal na pamahalaan at may kasunduang maglilingkod sa nasabing bayan pagkatapos mag-aral. Ang bawat school year ay nahahati sa apat na quarter at walang grade ang mga mag-aaral maliban sa “Passed” o “Needs Tutorial” para maiwasan ang kumpetisyon. Ladderized o baha-bahagdan ang kurso dito na magsisimula sa midwifery, pagkatapos ay nursing at hanggang medicine.
Narito ang balita mula sa Manila Bulletin na sinulat ni Ariel Avendaño:
A satellite campus of the University of the Philippines’ School of Health Sciences (UPSHS) was inaugurated here the other day.
UPSHS, which would serve four adjoining provinces, is intended to convert Aurora – located some 230 kilometers north of Manila – into the health hub of northeastern Luzon.
The extension campus is also intended to produce graduates of medicine-related courses who would fill the void caused by the lack of health professionals in the countryside.
Ang artikulong ito ay lumabas sa Philippine Star noong July 13, 2008. Sulat ito ni Wilson Lee Flores:
Love in the time of war: Manuel Quezon’s dad, Anne Curtis, Jericho Rosales & Ed Angara in Baler
History cannot give us a program for the future, but it can give us a fuller understanding of ourselves, and of our common humanity, so that we can better face the future. — Robert Penn Warren
What is it about sun-kissed small towns wedged between mountains and the ocean that creates an aura of timeless romance, mysteries and epic — even quixotic — dreams?
Despite having only 30,000 inhabitants, this third-class coastal municipality of Baler nestled between the Philippines’ longest mountain range of the Sierra Madre and the Pacific Ocean is the hometown of Commonwealth President Manuel Luis Quezon, his maternal cousin First Lady Doña Aurora Aragon Quezon and Senator Edgardo Angara. It also became the last bastion of Spanish colonial rule in this archipelago, due to the “Siege of Baler” from June 30, 1898 and ending only 11 arduous months later.
Magandang balita ito. Maganda ang ginagawang aksyon ng Task Force Sierra Madre. Dapat silang tulungan nating mga tiga Aurora na ang mithi ay pagmamalasakit sa ating mahal na probinsiya.
President Macapagal-Arroyo and forest protection advocates have agreed to form a citizens’ body to fight continued illegal logging in the Sierra Madre mountain ranges, the head of a Church-based forest protection watchdog said Tuesday.
The move, according to Fr. Pete Montallana, came in the wake of the apparent failure of the Department of Environment and Natural Resources and other government agencies to stop illegal logging in the area.
Montallana heads the Task Force Sierra Madre (TFSM).
He said Bishop Rolando Tria Tirona and a delegation from northern Quezon met with Ms Arroyo last month in Malacañang and voiced serious concern on continued illegal logging in Sierra Madre.
Ang tanyag nating kababayan at CCP Thirteen Artists Awardee na si Jeho Bitancor ay magkakaroon ng isang exhibit na may titulong “Spicy” sa Mistlin Gallery ng Central California Art Association. Ito ay sa 1015 J Street, Modesto, California, USA. MAgbubukas ang kanyang exhibit sa July 21 hanggang August 23. Ang gallery ay bukas ng Martes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon at tuwing sabado sa 12:00 hanggang 4:00 ng hapon.
Sa mga gustong maka-ugnayan si Jeho, magkakaroon ng Artist Reception sa July 21 ika 6:00 ng gabi at sa ika 7:00 ng gabi sa July 22 ay magkakaroon siya ng Artist Talk.
Sa mga Akaw na malapit sa lugar na ito, suportahan po natin ang ating kababayan.
July 12, 2008. Lahat ng may nais ay inaanyayahang maki-oron mamayang alas-dyes ng gabi (oras sa Pilipinas) sa Batangbaler chatroom. Ito ay isang open forum kung saan pag-uusapan ang kung paano makakatulong sa kaunlaran at kaligtasan ng Aurora.
At hindi lang ang mukha ng Museo de Baler ang bagu. Bagu din ang mga street signs sa bayan. Ito ay yari pa sa kahoy na inukit ang mga pangalan ng kalsada. Anung say ninyu?
“This mural I dedicate to the youth of Baler that they may always remember and strive to emulate the valor, self-reliance and quiet heroism of their ancestors who all lovingly cared for their children and aspired to give them a better life.”
Senator Edgardo J. Angara
Dedicated June 30 2008
***
Kasabay sa pagdiriwang ng Philippine-Spanish Friendship Day noong Ika-30 ng Hunyo ay ang pag-i-inagura at pagde-dedika ng bagong “Baler Historical Mural”. Ang mural na na ito ay makikita sa harap ng gusali ng Museo de Baler at inilalarawan ang mahigit apat na raang taon ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas, mula sa kanilang pagdating hanggang sa pag-alis ng “Los Ultimos Filipinas”, ang mga Kastilang sundalong nagtanggol sa simbahan ng Baler sa loob ng halos isang taon matapos isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Makikita rin sa mural ang ilang mga larawan ng kaunlaran sa Baler at sa bayan ng Aurora.
Ang bagong mural na ito ay ginawa ng tanyag na iskultor Toym Imao. Si Toym din ang gumawa ng rebulto ni Andres Bonifacio sa Bonifacio Historical Shrine sa Maragondon, Cavite, at kamakailan lamang ay nabalita dahil sa kanyang disenyo sa E-jeepney, ang jeep na tumatakbo sa pamamagitan ng kuryente. Si Toym ay kinumisyon ni Sen. Edgardo J. Angara upang gawin ang mural na ito. Siya ay anak ng National Artist na si Abdulmari Imao.
Si Mrs. Ilovita Mesina, habang ipinapakita ang noon ay plano pa lamang ng mural sa Museo De Baler. Kuha ito noong June 30, 2007.
So Toym Imao noon June 30, 2008 sa Museo de Baler.
Magandang pagmasdan ang likhang-sining na ito sa parke ng Baler. Kapag ganito ang pinagkakagastosan ng pera ng Gobyerno ay wala akong angal. Sana sa susunod ay bigyan naman nila ng pagkakataon ang mga local artists na makagawa rin ng mga ganitong klase ng public art. Ito’y isang hakbang pasulong sa eksenang sining ng lalawigan ng Aurora.
I-click ang slideshow sa ibaba para sa iba pang larawan ng bagong Museo de Baler. BubbleShare: Share photos - Powered by BubbleShare
A Catholic bishop and some priests from Infanta in Quezon province have started leading efforts to defend the environment by mobilizing the local communities.
Fr. Boyet Valenzuela of Dinalungan, Quezon said several priests have also been actively involved in the anti-logging campaign in their parishes.
Valenzuela recently received death threats after leading a group composed mostly of Basic Ecclesial Communities (BEC) leaders in investigating logging activities.
The Task Force Sierra Madre, headed by Fr. Pete Montellana, is coordinating the anti-logging campaign. It has exposed the corruption in Department of Environment and Natural Resources (DENR) that has allowed illegal logging to continue.
******
Matagal nang daing ng karamihan sa Aurora na itigil na ang lahat na uri ng logging dito sa Aurora maging ito ay yung tinatawag nilang carabao logging o yung commercial logging. Lahat na kakayahan ng gobyerno ay nakatutok lamang laban sa mga small-time loggers o carabao loggers. Iyan ang tinatawag nilang “illegal loggers”. Pero yung mga commercial loggers ay hindi nila pinapansin kahit alam nating mas malaki ang mas malawak ang nagagawa nilang pagsira sa kalikasan.
Kailangan siguro nating malaman kung ano talaga ang posisyon ng mga lokal na politiko tungkol sa lahat na uri ng logging at kung anu ang mga ginagawa nilang hakbang hinggil dito. Sino ang magtatanung?
Mula sa abs-cbnnews online: A 4.5-magnitude earthquake shook Aurora province and other areas in Luzon Sunday night.
Mula sa inquirer.net:The “preliminary location” of the tremor, which occurred 8:01 pm, was placed at 103 kilometers east of Baler, Aurora said Phivolcs chief Renato Solidum when reached by phone Sunday night.
Mula sa gmanews.tv:The United States Geological Service reported that the aftershock was recorded at 8:46 p.m., less than an hour after the initial quake was recorded at 8:01.
I-click ang slideshow sa ibaba para sa ilang piling larawan mula sa ika-109 na taong anibersryo ng “Siege of Baler” at ika-6 na taong pagdiriwang ng Philippine-Spanish Friendship Day. Naganap noong ika-30 ng hunyo at pinangunahan ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.